Photo diary : Buscalan, Kalinga (2)

Dumating ang araw ng muling pagbabalik sa Kalinga.

Kasabay neto ang unti-unting pa nu numbalik ng tiwala mo sa pag-ibig. 


Wala pang isang taon mula ng nagmula ka sa lugar na ‘to. 

Wala pa ring isang taon ng kayo’y magsimulang lumabas. 


Zigzag ang daan patungong Kalinga.

Paliku-liko din ang inyong usapan.


Takot kayo pareho. Pero gusto n’yong subukan. 



Nagpalagay ka ng tatlong maliliit na bilog na tattoo kay Apo Whang Od. 

Nagbanggit sya ng tatlong salita, masarap pakinggan. Masarap basahin. Nangingiti ka. 



Pinadagdagan mo ang nasa likod. Mas mahaba, mas kita na tattoo.

Sana, sana mas humaba pa ang araw na magka kasama kayo. Hindi man lantad, pero alam nyo na totoo. 



Gumising ka ng maaga, ng nakangiti. “Aabangan ko ang pagsikat ng araw”, wika mo. Na naging panata mo sa tuwing may pupuntahan kang bagong lugar. Dahil ano pa nga ba ang mas gaganda pa sa pagsikat ng araw? 

Kasabay nito ang pag usbong at pagsikat ng magandang umaga para sa inyong dalawa. 



Totoo nga, na sana, sana magmahal at patuloy tayong magmahal tulad ng pagpunta natin sa Kalinga. 



*maaring basahin ang unang parte sa 

https://amazingjoon.wordpress.com/2016/12/26/photo-diary-buscalan-kalinga/


   

            

   

  

            

   
                
   

  

  

  

  

  

   
             

   
                

  

     

Photo diary : Buscalan, Kalinga

Sana magmahal ulit tayo na parang una nating pagpunta sa Kalinga. 

Noong una akong bumyahe pa Norte, hindi ako sigurado sa kung gaano kahaba ang byahe, pero naniwala ako. Naniwala ako na may magandang kahahantungan ang matagal kong paghihintay. Na sa pagsikat ng araw, masisilayan ko na ang ganda at liwanag ng kapaligiran. 

Oo, nakaramdam ako ng kaba at takot, takot na paano kung masaktan ako, o masugatan? Madapa o mahulog? Pero habang papalapit sa tinatamasang lugar, papalapit din ang kasiyahan at pagkasabik na sa wakas ay makikita mo na, at unti-unting humupa ang anumang bumabagabag sa iyong kalooban. 

Sana ganoon ulit tayo magmahal, ‘no? Maniniwala at magtitiwala pa rin tayo sa kapangyarihan ng pag-ibig gaano man kalayo, katagal at kung gaano ka man nasaktan. Matatakot tayo sa una, pero kalauna’y kakalma ang ating damdamin. Matututunan mo ulit ang mga salitang “take a risk”, kasi ano nga ba ang mangyayari kundi ulit natin susubukan? 

Ikaw, gaano pa kalayo ang kaya mong tahakin alang-alang sa pag-ibig? 

   
                        

   

  

  

  

  

  

  

  

   

   
           

   
         

MRT

‘Wag mong isipin ang ending, darating tayo dyan. 

Sa ngayon, i enjoy mo muna ang byahe. 

Mabato man o sementado ang kalsada.

Zigzag man o tuwid.

Masikip man o komportable.

Mainit man o malamig.

Mabaho man o amoy safeguard ang katabi. 

Fresh air o air-conditioned.

Ngumiti ka lang. 

Dahil darating din tayo sa ending. 
Sa ngayon, i enjoy mo muna ang byahe.