Pasasalamat

Pasasalamat

Nanay, isang araw na nag iyakan po tayo, nangako po akong tatapusin ko po ang pag aaral ko sa tamang oras at tamang panahon, at eto na po yun nay!! Salamat po nanay at nagmistulang alarm clock ka namin mula Lunes hanggang Sabado ng alas kwatro ng umaga. Salamat po sa pagluluto nyo para samin. Salamat po sa pag babasta ng mga biskwet na babaunin at mga kendi. Alam ko po nay na alam nyo kung gano po talaga ako kabait na apo. Hahahaha char salamat po sa pag papa alala na mag ingat at magdasal sa tuwing aalis ako ng bahay at bago matulog. Paumanhin po kung pinag aalala ko kayo sa tuwing mahuhuli ako ng uwi.

Kahit nanay minsan naramdaman kong hindi nyo ko gustong maging librarian, hinayaan nyo din po akong mag isip, at hanapin kung ano at para san ba ko, hinayaan nyo po akong mag desisyon para sa sarili ko. At salamat po!!

with Nanay

with Nanay

Grad2

Titaaaaa. Salamat po sa pag papatawa. Wow hahaha salamat po sa pagsuporta sa lahat ng desisyong pinili kong tahakin. Salamat po sa pagbibigay ng baon, hahaha very very good po yun hahaha joke tita salamat din po at pinalaya nyo ko ng very very light. Haha hinayaan nyo po ako na ma diskubre ang totoong mundong ginagalawan namin. Wow haha

image

Tita

 

Mommy. Kahit hindi ako galing sa sinapupunan mo, daig mo pa ang tunay na ina. Hindi mo ko iniwan, hindi mo ko pinabayaan. Mommy hindi nawala nung mga oras na kinailangan kita. Lahat kayo hindi ako iniwan. Tama po ung lagi nyong sinasabi na ano man ang mangyayari, pamilya pa din tayo. Hindi ka nagsawang pakinggan ang mga kwento kong ka echusan. Salamat po!

image

Mom

 

Papa. Hala nakakaiyak, wow. Salamat po.. Akala nyo lang po na may pusong bato ako pero ang totoo, pandesal po ang puso ko. Mainit init at ubod ng lambot. Hahahaha salamat pa, sa pag suporta sakin lalo na pag dating sa mga pangarap ko.Β  Salamat pa sa pagpapamana mo sa sakang mong paa. Kundi dahil sa paa ko hindi magiging masaya ang araw ng mga kaibigan ko hahaha joke.Salamat ama, hindi mo ako pinabayaan, at pinapangako ko din pong hindi kita pababayaan pag nawalan ka na ng buhok sa bunbunan mo! Pangako yan.

image

P

Salamat po sainyong lahat. Kung hindi po dahil sa pag aaruga, pag aalaga, at pagmamahal nyo sakin ay marahil wala na, wala na ko. Kayo po ang nag turo ng bagay na dapat kong matutunan. Kayo po ang nagturo sakin kung pano ulit magmahal. Wow hahaha salamat po!!

image

 

 

MAKINIG… πŸ˜€

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s